Saturday, August 7, 2010

Pilipinas Win na Win!



Hindi ko talaga maintindihan kung bakit Pilipinas Win na Win ang title ng bagong noontime show na pumalit sa defunct na Wowowee. Para sa akin lang ito ha, ang baduy kasi ng title. Parang Party Pilipinas lang sa kabilang banda na mas boring pa sa pagbabasa, nagnanais na maabot yung elite audience pero kulang pa din at hindi na din makareach out sa pandinig ng madla. Huwag kasing mamangka sa dalawang ilog. Bad, bad, bad.

Basta ako, hindi ko gusto ang pagpalit sa Wowowee. Sa PWNW talaga lumabas sa isipan ko ang idea na measure na pala ng kasiyahan ang pera. Sa mga hosts, I want to be clear that you don't have to make a point  all the time even if you always want to point out the same thing over and over again. Hindi lahat ng may pera masaya. Hay naku, nakakadisappoint.

Pwede namang ibang title eh kagaya ng:
1. Tanghal-ian
2.  Bakbakan!
3. 12
4. Tsibugan
5. Kay Saya-saya
6. Minu-minuto
7. Pilipinas YES!
8. Tama!
9. Karnibal
10. Pilipinas, Game KNB Ulet?
11. SHOWarma
12. Walang Tulugan!
13. Kapamilya, Winner Ka! (adaptation sa regional program ng ABS)
14. Bulagaan (LOL)
15. Eat-Sa-Pie (Pizza Pie)
16. Panalo Ka!
17. Idol at Ako
18. Binoy and Kris (parang Boy and Kris lang, haha)
19. Kris & Robin
20. Noontime
21. Gags
22. Laugh Line
23. Sabawan (ang pangit, lol)
24. MENUDO
25. LOL (<<---ITO PINAKAMAGANDA!) or LOLOLOLZ! (haha, can't bear it anymore)

Nakaka-ulol mag-isip ng pamagat. Corny nga pala mag-isip, lol. Okay nako sa Pilipinas Win na Win! Swerte ng Eat Bulaga ah.

Sunday, July 25, 2010

Diz Iz It! o Showtime?

Alam naman natin na malakas talaga ang kompetisyon sa pagitan ng ABS-CBN Channel 2 at GMA-7. Harapan ang clash ng tv shows at programa na ang siyang pakay ay pasayahin ang mga manonood at ibahagi sa iba't ibang panig ng bansa at ng mundo ang pagkaPinoy, ngunit hindi natin maipagkakailang tanging dahilan nang pagkakabuo ng mga magagandang programa ay para kumita nang malaki ang mga ito mula sa mga advertisers na nangangarap na maisapubliko ang mga produkto nilang halos pare-pareho lang naman ang laman at nagkakaiba lamang sa pangalan o brand.

Iba't ibang uri ng kompetisyon ang makikita sa telebisyon. Una sa mga ito ay ang banggaan ng mga programang nakatuon sa pagpapakita ng mga kakayahan na nagagawa ng Pinoy. Nariyan ang mga talent searches tulad ng Star Circle Quest at StarStruck, Star in a Million at Search for a Star, Pilipinas Got Talent at marami pang iba. Sa kasalukuyan ay nariyan ang dalawang programang nag-aagawan ng mga grupong tutupad sa mga pangarap ng mga kumpanyang ito, ang mga grupong siyang makapagbibigay-aliw sa mga manonood, ang mga grupong tatatak at mananatili sa puso ng mga tao, ang mga grupong magpapakita ng tanyag na katangian, ang mga grupong huhulma sa mga programang Showtime at Diz Iz It!. Dahil sa mga grupong ito, hindi na kailanganang magwaldas ng malaki para lang sa mga talent fee na hindi naman talaga katumbas ng hirap na dinaranas ng mga artista natin ngayon, o dili kaya'y katumbas naman ng kababawan ng ibang artistang natanggap lang dahil sa face value at yun lang.

Sa kabila ng galing na ipinamamalas ng mga grupong ito, ang tunay na nakikinabang ay ang mga manonood. Aliw ang nagiging basehan ng pagkapanalo sa labanan. Kung ikaw ang tatanungin, alin sa Diz Iz It! at Showtime ang karapat-dapat na tanghaling champion sa kompetisyon para sa pinakanakakaaliw na programa sa bansa.

 Ipahayag na ang iyong kuru-kuro o sentimento. Banggaan na!

Monday, July 19, 2010

Marian Rivera or Angel Locsin?



Both of them look good on television, but do they both look good off cam? Who's got more edge? Let's not just consider the sex appeal of these two lovely women we are to compare.They're really fantastic beauty rivals, and not only that, but it seems that they're network muses being tossed for a fight in representing the Philippine icon of beauty and elegance in their crafts.

As for me, I find Angel Locsin really hot inside and out. We all know that Angel regained the first spot in the FHM's sexiest cover girls, but in your own perspective, who's got more of what it takes to be the best actress in the country?? Let us base our judgments on personality, beauty and the ones in between.

Monday, July 5, 2010

Kapamilya VS Kapuso: Alin Ba Talaga ang Mas Magaling?

Dahil nasa Pilipinas naman tayo at alam kong andaming magrereact dito, gumawa ako ng blog patungkol sa dalawang pinakamalalaking television networks sa Pilipinas, ang ABS-CBN at GMA-7. Ngayon, alam kong magkakainitan kaya sana lahat ng magcocomment dito maging sport. Hihinto muna ako sa paggamit ng wikang Ingles.

Photo Courtesy: gofigures.net


Para painitin ang nagkakagulong mga fan bases, haha, gusto ko sanang itanong sa mga nakakabasa nito, alin ba talaga sa dalawa ang mas may dating o mas nakakalamang at bakit? Lahat ng panig ay bukas sa blog na ito. Gustong-gusto ko talagang maliwanagan sa mga bagay-bagay na tila hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa talagang umabot sa paggawa ng blog na ito ang mga bangayan na sana eh sa ibang bagay nalang pinagtuunan ng pansin.

Darating din tayo sa mga puntong pag-uusapan natin yung mga alam ko naman na alam niyo din na may mga artista silang pinagtatapat-tapat, at mga television programs na pinagbabangga-bangga   At nakakapagod na nakakawindang talagang makita yung mga awayan sa youtube at sa iba pang sites. Kaya heto na, pinagbigyan ko na kayo. Mag-enjoy po sana tayo, at sana walang mainitin ang ulo diyan!

Maligayang pagdating sa masalimuot na mundo ng pagiging die-hard fan! At nawa'y maging healthy ang diskusyon dito at hindi puro nonsense ang mga komentong makikita ko. Happy network-bashing!